LIWAYWAY – Ang Kinang ng FAMAS
Ni Angelo “Eloy” Padua

Ang galling ng acting! Pang – FAMAS!” isa sa karaniwan nang naririnig na papuri sa isang mahusay na pangganap. Malimit na ito’y papuring naririnig sa mga dialogo sa pelikula, telebisyion o maging sa kaunting pambobola ng magkakaibigan.

Ang salitang “ FAMAS” ay nanatili, ngunit sa pagtagal, waring ito’y nagging walang kahulugang ekspresyon na lamang.

May nakagugunita pa ba ng prestihiyo na kaugnay ng dating diwa ng FAMAS? Marahil, manaka-naka. Pero ngayon, sa maraming taon, isa na lamang itong pangkaraniwang pangyayari. Pero bago ninyo ako mabigyan ng ibang kahulugan, nais kong ito’y idiin. Sa kabila ng pagsulpot ng napakaraming mga organisasyong nagbibigay ng parangal, ang gawad ng FAMAS ay maituturing pa ring siyang pangunahin na maaring pangarapin ng isang artista. Sa pagsapit ng ika-58 taong paggagawad ng parangal, maituturing na ang FAMAS ang pinakaungang nagkaloob ng pagpaparangal sa mga produksiyon at galamay ng industriya ng cinema sa bansa. Nakalulungkot, na waring sa ngayon, tila tumamlay na ang pag-asam sa pagkakaloob ng Gabi ng GAWAD ng FAMAS. Nalimutan nab a ang gabi ganito ng pagpaparangal? Marami ang dahilan ng pagkupas ng kinang. Dumatal sa ating bayan ng napakaraming pelikulang day, na may istilong dayo at kakaiba. Nabago ang panlasa ng pelikula. Nangibabaw ang mataas na teknolohiya at kakaibang effects ng dayong pagsasapelikula. Ang panlaban na lamang ng mga manlilikhang Pilipino sa pelikula ay ang pagkikintal ng diwa at katangian pagkalahi n gating mga obrang cinematiko. Ang paggaya sa dayong katangian sa isang manlilikhang Pilipinong putting tabing ay isang pangarap na malayong matupad. Napakamaraming mga Pilipino ang tunay na nakatutok sa Oscar Awards Nights kung ihahambing sa kakaunting tumutugaygay ng FAMAS Awards Night.

Waring ang tunay na problema ay panloob. Tayo ang problema. Ang industriyang local ng cinema ay hindi rin nag-uukol ng pansin sa okasyong ito na tunay na bantayog na maituturing . Gusto nilang magkaroon ng FAMAS Awards pero abala sila para dumalo man lamang sa gabi ng pagpaparangal .Tuloy, kahiya-hiya ang nagyayari, kung tinatawag ang pinangangarangalan na hindi naman dumadalo. Hindi ganito ang pagtanggap ng mga nominado ng Oscar, na ang nominasyon ay ituturing na nilang isang karangalan. Kaya tuloy, ang ganitong pagwawalang-bahala n gating mga kinauukulang talento ang nagpapabawas sa kinang ng gawad FAMAS. Ang nagiging bunga nito’y ang pagbawas ng interes ng malalaking channels ng telebisyon para ipalabas ang ganitong napakahalgang okasyon … hindi rin marubdub ang pagtataguyod ng media. Kaya ang salitang “FAMAS” ay isa na lamang alaala ng romantikong taguri. Sa kabila ng ganitong malungkot na kalagayan, nariyan naman ang malugod na pagtatangkilik ng buong sambayanang manood ng pelikulang sarili. Ito ang nagbibigay ng patuloy na lakas ng loob sa kasalukuyang liderato at kasapian ng FAMAS sa pagtataguyod ng gawad, hindi lamang para buhayin ang nakaraang kinang kundi para gawin itong ilaw hanggang sa inaasahang panahon ng pagtatagumpay na muli ng FAMAS. Sinisikap pa rin ng FAMAS na ang tropyeyong ipagkakaloob nito ay maging simbolo ng kasiningan ng diaw ng pangganap ng Pilipino sa pagbibigay ng buhay sa katotohanan ng buhay ng lahi. Ang ganitong malugod na pagtangkilik ang maituturing na liwanag na makikita sa loob ng madilim na tunnel.